Nagulat ako ng makita yungmga chu va ek ek sa inbox ko. Iniisip ko kung pano yun. Dyusko. FAN MAIL pala yun. Nakakhiya naman at wala na kong kaalam alam. Tss
Pangalawang beses ko nang mag birthday dito sa Tumblr. Salamat sa mga hindi nakalimot! Salamat sa mga bumati. :*
Kung mapapansin niyo, wala na talaga ako dito sa Tumblr. Wala na yung puso ko dito. Parang maraming nagbago. Maraming dumagdag. Ewan ko. Baka hindi lang ako sanay dahil iba ang dating Tumblr na kinasanayan ko. Hindi ko rin alam kung bakit nakita ko na lang ang sarili ko na nandito sa site na to at tumitipa ng pwedeng sabihin. Siguro dahil maraming magagandang alaala dito. Tama, marami nga! At hindi ko yun pwedeng kalimuta. Lalo na ang mga taong kasama ko noon dito sa pag buo ng sarili ko.
Ang panliligaw ay hindi natatapos kapag sinagot ka na ng babaeng gusto mo, tuloy tuloy yan. Ligawan mo siya kapag nagtatampo siya sayo. Ligawan mo siya kapag malungkot siya. Ligawan mo siya kapag masama ang araw niya. Ligawan mo siya kapag masama ang pakiramdam niya. Ligawan mo siya araw araw. Ligawan mo siya habambuhay.
Alam mo kung anong kapalit nun? Araw-araw na ngiti mula sa kanya. Araw araw na sayang makikita sa mukha niya. Araw araw na yakap, halik at matatamis na, “I LOVE YOU”. At higit sa lahat, panghabang-buhay na pagmamahal mula sa kanya.
Kung talagang mahal mo siya, hindi naman talaga siya ang napapasaya mo kapag ginagawa mo yan, kundi sarili mo. Dahil wala ng sasarap pa sa pakiramdam kapag nakikita mong masaya sa piling mo ang taong mahal mo.
Hindi porket malibog hindi na virgin. May mga tao lang talaga na malibog sa salita, pero hindi ginagawa.
Pansin mo ba kung bakit dumadalas ang lindol? Simple lang. Nagkukumpuni kasi si satanas ng mas malaking espasyo sa kaharian niya dahil sa dami ng makakasalanang tao.
Wag kang mahulog sa mga mabubulaklak na sinasabi niya. Mahulog ka sa mga bagay na ipinapakita at pinapatunayan niya.
Sa di malamang dahilan ay biglang nagkrus ang aming landas. Hindi maipaliwanag na emosyon. May sakit, lungkot at kagalakan na makita siya. Bigla akong napaisip kung ano nga bang nangyari sa masayang kami dati.
Hinding hindi ko makakalimutan kung gaano ako kasaya sa kanya dati. Pero ang nakalipas ay mananatiling nakalipas na hindi maaaring balikan. Maaaring maulit ngunit ang pakiramdam ay iba.
Nkakahinayang isipin na nauwi sa wala ang lahat ng aming pinaglaban. Mga pangakong binitawan na kailanman ay hinding hindi na matutupad. Mga haplos at halik na nagbigay init sa katawan namin. Iba pa rin kung siya.
At ang pinakamasakit sa lahat ay ang tanggapin ang katotohanan na hindi ka na niya kilala sa kabila ng lahat ng nangyari sa inyo.
Hanggang sa lumagpas na ang presensiya niya sa aking harapan, ni isang bati wala akong narinig. Sa loob ng dalawang taon na pagkakabihag ng puso namin sa isa’t isa imposibleng magawa niya yun. Pero nagawa niya pa rin.

